Bahay ng parak niratrat, 3-anyos na anak sugatan

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki na anak ng isang pulis nang pag­­babarilin ang kanilang bahay ng dalawang hindi pa naki­kilalang salarin kahapon sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Justine Matabang, anak ni PO1 Edgardo Matabang,  ng Na­vo­tas City  Police at residente ng Rosal st., Brgy. Tanza ng na­bang­git na  lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon, ha­bang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang pa­ulanan ng bala ng mga suspek.

Mabilis na nakuha ng pulis ang kanyang baril at gumanti ng putok sa mga suspek subalit mabilis na tumakas ang mga ito  sakay ng isang kulay berdeng Toyota Revo na walang plaka. Nang bumalik sa loob ng bahay si Matabang ay nakita na nitong nagdudugo ang paa ng kanyang anak sanhi ng tama ng bala na naging dahilan upang dal­­hin ito sa nabanggit na pagamutan.

Isa sa mga teorya ng pu­lisya, puntirya ng mga suspek ay si PO3 Matabang na ngayon ay pa­­tuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. 

Show comments