Housemaid kinatay ng akyat-bahay

MANILA, Philippines - Nilaslas ang leeg ng isang katulong ng isang magnanakaw na nan­loob sa bahay ng kan­yang amo sa lung­sod Quezon, ayon sa pu­lisya kahapon.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si Mer­­linda Kan, 35, stay-in housemaid sa 65 Agui­naldo St., corner Apa­cible St., UP campus sa lungsod.

Sa imbestigasyon si Kan ay naninilbihan sa bahay ng isang Dr. Amparo Adelina Umali III, professor ng UP na nag­simula lamang no­ong May 8, 2010.

Napag-alaman na nagbakasyon sa Ame­rika ang among dok­tora at tanging ang bik­tima lamang ang na­iwan sa naturang bahay.

Natagpuan lamang ang bangkay ng bik­tima dakong ala-1 ng hapon makaraang du­mating sa bahay sina Renato Reyes, Eleo­nor de Guz­man at Rita Balia para sa staff meeting.

Sa pagsisiyasat ng CIDU, base sa pa­hayag nina Rasalan Dianne Ericka Umali, pamang­kin ng doktora nawa­wala umano ang wel­ding machine na naka­la­gay sa likuran ng na­turang bahay.

Ayon pa sa pulisya na sa sugat na natamo ng biktima sa ulo po­sib­leng nanlaban ito bago sinak­sak ng sus­pek.

Show comments