Navy official natagpuang patay

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon sa pu­lisya kung sadya bang pinatay o nagpakamatay ang isang opis­yal ng Philippine Navy (PN) na natagpuang may tama ng bala sa ulo sa loob ng kan­yang tinutuluyang barracks sa Camp Aguinaldo sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Lt. Senior Grade Marvin Mariano, 34, binata at nanu­nu­luyan sa barracks ng Bachelor’s Officers Quarters ng Communication Electronic and Information System Ser­vice ng AFP.

Ayon kay PO3 Ernesto Fab­re Jr., ng CIDU ng QCPD na­dis­kubre ang bangkay ng bik­tima ng kanyang kabarong si Lt. Com­modore Cornelio Rodel Mago habang naka­han­dusay sa kanyang kama at naliligo sa sa­riling dugo pasado alas-9 ng gabi. Bago ito, hinanap umano ni Mago ang biktima, at hindi niya ito makita kung kaya nag­desisyon na itong puntahan ang barracks nito.

Ayon kay Mago, ilang ulit umano siyang kumatok sa pinto pero walang sumasagot kung kaya nagpasya siyang tuma­wag ng ilang kasamahan at nagpasyang sirain ang pintuan nito. Nang mabuksan ay saka tumambad sa kanila ang na­sabing biktima.

Sa pagsisiyasat, natag­puan sa tabi ng biktima ang isang kalibre 45 baril at isang slug nito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat at Joy Cantos)

Show comments