Sundalo nag-Rambo: 3 kritikal

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang tatlong katao na pawang magkakamag-anak matapos pagbabarilin ng isang sundalo na kanilang kapitbahay dahil sa away pamilya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga sugatang biktima na sina Ricardo Nepomuceno, 42, ang kapatid nitong si Gina, 39, at kaanak na si Gilbert Nartatuz, 39, pawang residente ng Big Banana, Sta. Quiteria ng lungsod na ito. Hinahanting naman ng pulisya ang suspek na si  Alfredo Bautista, 54, miyembro ng Philippine Coast Guard at kapit­bahay ng mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, naga­nap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar. Nabatid na kaalitan ng mga biktima  ang kaanak naman ng suspek hanggang sa dumating si Bautista na may dalang baril at walang habas na pinaputukan ang tatlong nasugatan.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang naturang sundalo dala ang gamit na baril.

Show comments