Holdaper sinalvage

MANILA, Philippines - Isang di pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang hol­da­per at biktima ng salvage ang natagpuang patay at nakasilid sa sako kahapon ng madaling-araw sa Mc Arthur Bridge sa Sta. Cruz, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 35-40, may taas na 6’ talampakan, army cut ang buhok, katamtaman ang laki ng katawan, nakasuot ng kulay pula na polo shirt at khaki na cargo short pants.

Batay sa ulat ni Det. Rommel del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang magkalkal umano ng basura si Armando Eugenio, 48, at nakita nito ang isang sako na naglala­man ng bangkay ng lalaki sa ilalim ng Mc Arthur bridge. Nakabalot din ng packaging tape ang mukha at nakagapos ang mga paa at kamay sa likod.

Nakuha din sa loob ng sako ang isang papel na may banta pang: “Nelson (holda­per), Mapiste ka ika’ na susunod kong gaga­danun!!! Hukbong Sandatahan ng Timog Kata­galugan-Bicol”. 

Ayon kay del Rosario pumulandit pa ang dugo sa ulo ng biktima na indikasyong pinalo ito ng mati­gas na bagay sa ulo. Sa pahayag ng ilang saksi isang hindi napla­ka­hang kulay puti na taxi umano ang nakitang nag-counter flow at nagmama­daling umalis sa lugar. Inilagak na ang bangkay sa Cruz Funeral Homes, na matatagpuan sa Sta Cruz, Maynila.

Show comments