Quezon City fire: 1 patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 47-anyos na lalaki  nang tupukin ng apoy ang sarili nitong bahay sa Fair­view, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection ang nasawi na si Jesus Tibay, ng Buick St., corner Consul, Brgy. West, Fair­view, QC.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Jose Mauricio, radio operator ng BFP, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw kahapon sa bahay mismo ng biktima.

Umabot sa 4th alarm ang sunog at naapula lamang dakong ala-1:12 ng madaling-araw.

Aabot sa P 1.5 milyong halaga ng mga ari- arian ang naabo sa naturang sunog na tumagal nang halos 1 oras. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente.

Samantala, naabo ang milyong halaga ng animal feeds na nakaimbak sa isang ware­house na nasunog sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Wala namang naitalang nasaktan o na­damay na iba pang establisimento at kaba­hayan sa 5 oras na pagkasunog ng Simon Enter­prises na matatagpuan sa #3403 Lubiran st., Bacood, Sta. Mesa na pag-aari ng isang Simon Chua.

Nagsimula ang sunog dakong alas-6:28 at agad namang idineklarang kontrolado dakong alas-7:50 ng umaga. Umaabot sa mahigit P3-milyon umano ang halaga ng stocks na animal feeds ang nasunog habang ang iba pang kagamitan ay tinatayang nasa P500-libo.

Show comments