MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng summary execution ang bangkay ng isang lalaki na ibinalot na parang mummy sa isang kumot na puti ang buong katawan, na nang binuksan ay na kitang napupuluputan ng packaging tape ang kabuuan ng ulo, may bakas na binigti, nakatali ang mga paa at kamay ng straw, na itinapon lamang sa bangketa ng Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Sa pagtaya ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay nasa edad na 25-35, may taas na 5 talampakan, katamtaman ang pangangatawan, maiksi ang gupit ng buhok at nakasuot ng kulay puting t-shirt at maong pants.
Ayon sa ulat dakong alas-4 ng madaling- araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa bangketa sa kanto ng Tayuman at Anacleto sts., Sta. Cruz, Maynila.