Mayor Bernabe 2 beses pinaldahan ng korona ng patay

MANILA, Philippines - Dalawang beses na pina­dalhan ng korona ng patay si Paranaque Mayor-elect Flo­rencio Bernabe Jr. makara­ang una namang kumalat ang text messages na nagbabalita na nasawi na ito noong nakara­ang Biyernes.

Mismong si Mayor Ber­nabe ang nagkumpirma sa mga mamamahayag sa pag­papadala sa kanya ng bulaklak ng patay sa harapan ng gate ng kanyang bahay sa Tahanan Village, BF Homes, ng na­turang lungsod.

Mismong ang empleyado ni Bernabe ang nakatanggap ng naturang bulaklak ng patay pasado alas-11 ng umaga na ikinagulat ng nanalong alkalde ngayong katatapos lamang na halalan. Ayon kay Bernabe, naka­saad sa nasabing korona ng bulaklak ang katagang “Con­dolence”.

Nauna rito, pinadalhan rin ng bulaklak ng patay si Ber­nabe nitong nakaraang Sa­bado na ipinadala sa opisina ng kanyang Public Infor­mation Office (PIO) at naka­pangalan sa alkalde.

Wala namang nakalagay kung saan at kanino nang­galing ang nasabing bu­laklak, na naniniwala ang alkalde na posibleng may ka­ugnayan ito sa pulitika kahit tapos na ang halalan.

Show comments