MANILA, Philippines - Patay ang isang rider nang mahagip ng isang taxi na nang tumilapon nabasag ang bungo at halos humiwalay na sa katawan ang ulo at pagkatapos ay nasagasaan pa ng isang dump truck, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Richemon Recio, ng 21 R. Padilla St., San Jose, Navotas City.
Patuloy pang inaalam ang pagkikilanlan ng driver ng dump truck na hindi naplakahan na mabilis namang tumakas.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Road 10, Zaragosa St., Tondo, Maynila.
Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (3761 TK) patungong southbound lane nang mahagip ng isang taxi na kanyang nakasabay.
Nawalan ng giya ang motorsiklo, bumangga pa ito sa kasabay niyang Nissan Vanette (UAA 511) at tuluyang tumilapon ang katawan nito mula sa motorsiklo at habang nakahandusay ay nasa gasaan ng rumaragasang dump truck na naging dahilan ng kanyang agad na kamatayan.