Helper bigo sa pag-ibig, nagbigti

MANILA, Philippines - Matapos biguin ng kanyang nililigawan, isang helper ang nagbigti sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw. Patay na nang makita ang biktimang si Erwin Castro, 26 stay-in sa JVM Junkshop sa MacArthur Highway, Brgy.  Malanday ng lungsod na ito. Base sa ulat, ala-1 ng umaga nang makitang nakabigti ng nylon straw ang biktima sa loob ng kuwarto nito sa nasabing lugar ng kanyang kasamahan. Nabatid na naging malulungkutin ang biktima nang mabasted ng kanyang nililigawan.

Show comments