Pinalalayas ng korte:Ex councilor 'di nagbayad ng renta

MANILA, Philippines - Iniutos ng korte kay dating 2nd district Councilor Edward Tan na umalis sa kanyang inuupahang apartment sa Tondo Maynila, makaraang ipagharap ito ng reklamo dahil sa hindi umano nito pagbabayad ng renta sa loob ng sampung taon.

Sa apat na pahinang resolusyon ni Judge Felicitas Laron-Canindin ng Metropolitan Trial Court Branch 19, inuutusan si Tan na isoli kay Susan Manicad at sa kanyang pamilya ang apartment.

Pinagbabayad din si Tan ng kabuuang upa na hindi nito naba­yaran mula ng rentahan niya ang apartment ni Manicad at attorney’s fee. Base sa record ng korte, nagsimulang hindi mag­bayad si Tan ng buwanang renta ng apartment ni Manicad noong pang 1990 sa kabila ng paulit-ulit na demand.

Napilitan magsampa ng kaso sa korte si Manicad hanggang makamit  nito ang katarungan.

Show comments