Sekyu dedo sa kabaro

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkaatraso sa oras ng pagpasok sa trabaho binaril at napatay ang isang 47- anyos na security guard ng kan­yang kabaro kamaka­lawa sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Ber­nardino Hospital ang bikti­mang si Defin Salazar, se­curity guard sa California Village Multi-Purpose Hall Brgy.San Bartolome, Quezon City.

Agad namang tumakas ang suspek na si Agustin Mejos Jr. ma­tapos ang isina­ga­wang krimen.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni PO2 Joy Marcelo ng Que­zon City Police District-Criminal In­vestigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang krimen dakong alas-8:20 ng gabi sa Gate-1 ng nasabing lugar.

Sinasabing pinuntahan ng biktima ang naturang gate para rumilyebo sa suspek pero hindi pumayag ang huli na umalis sa kanyang bina­ban­tayan dahil sa late na umano ang una sa pagdu-duty.

Dahil sa pangyayari nag­karoon ang mga ito nang ma­initang pagtatalo  hanggang sampalin ng biktima ang sus­pek dahilan para bunutin ng huli ang kanyang service fire­arm at saka pinaputukan ang biktima. Ang kasong ito ay pa­tuloy na binubusisi ng pulisya.

Show comments