MANILA, Philippines - Pinaboran ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City ang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kasuhan ng paglabag sa tax code ang popular showbiz heartthrob na si John Lloyd Cruz.
Sa isang resolusyon na inaprubahan noong Abril 15, 2010, inayunan ng tanggapan ng City Prosecutor ang posisyon ng BIR laban sa aktor at nirekomendang sampahan ng kaso si Cruz dahil sa paglabag sa Sections 5 at 14 ng Tax Code of 1997.
Nakasaad pa sa resolusyon na kahit na may naipadalang subpoena ang BIR sa aktor ay bigo ito na magpakita sa ahensiya upang maayos ang responsibilidad nito sa pagbubuwis.
Ang resolosyon ay inayunan nina Rogelio Velasco, 2nd Assistant City Prosecutor at nilagdaan ni City Prosecutor Dindo Venturanza.
Sinasabing noong 2007 ay bigo si Cruz na bayaran ang utang sa buwis. Hindi naman sinabi ng BIR kung magkano ang halaga ng hindi nababa yarang buwis ng aktor sa ahensiya.