Balwarte ni Atienza, kukunin ni Lim

MANILA, Philippines - Hindi paaawat si Ma­nila Mayor Alfredo Lim  na kunin ang  pagma­mahal ng  mga Mani­lenyo ma­tapos na ma­kopo rin nito ang  5th at 6th district na sinasabing balwarte ni dating Envi­ron­ment Sec­retary Lito Atienza.

Sa resulta ng survey ng  Stratpolls, lumilitaw na nananatiling  nangu­nguna si Lim  sa 1st, 2nd, 3rd, 4th at maging sa 5th at 6th district kung saan naka­kuha ito ng  61 por­siyento kumpara kay Atienza na  25 porsiyento lamang.

Isinagawa ng Strat­polls ang survey noong Abril  29, 2010 sa may 1,200 res­pondents sa Maynila. Maging sa kate­gorya ng  kasarian, socio eco class at age bracket ng mga respondents, hindi nagba­bago ang por­siyento ng boto ni Lim.

Umaabot din sa 80 porsiyento ng mga resi­dente sa bawat distrito ang dumagsa sa motor­cade ni Lim araw-araw.

Show comments