Driver dedo sa bangga

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang truck driver habang malubhang nasugatan naman ang kanyang pahinante makaraang bumangga ang sinasakyan nilang trak sa likuran ng sinu­sundang trak kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Bang­kal, Makati City. Nakilala ang nasawing driver na si Gerry Lasam, stay-in sa Bobits Trucking sa Harbor Center, Vitas, Tondo Manila. Isinugod naman sa paga­mutan ang pahinante nitong si Michael Bocomo, nasa legal na edad. Inim­bitahan naman sa presinto ang driver ng nabang­gang trak na si Pepito Nebab, 32.

Show comments