Kelot inatado

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 41-anyos na driver matapos pagtatagain sa leeg, braso at tiyan ng hinihinalang dating kaaway habang nagpapa­hangin sa labas ng kaniyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Arnel Lapus, ng 1981 Almeda St., Tondo.

Pinaniniwalaang habang mag-isa lamang ang suspek na nakaupo sa harap ng kani­yang bahay ay sinamantala ito ng kaaway na armado ng itak. Matapos pagtatagain ay mabilis na tumakas.

Sinabi ng pulisya na po­sibleng ang dati umanong kaaway ang nakatiyempo upang resbakan ang nag-iisang biktima. Hindi pa matukoy ang salarin hang­gang sa isinusulat ito.

Show comments