Uuwi na, binoga

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng isa niyang kainuman dahil nagtalo ang mga ito nang pigilan sa pag-uwi ng una ang huli sa Navotas City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Antinory Goli, 32 ng Tabing Dagat, Barangay Daanghari ng lungsod na ito. Pinagha­hanap naman ng mga pulis si Leo Leongson, nasa hustong gulang, ng Davila ng lungsod pa ring ito.

Nauna rito, nag-iinuman sina Goli at Leongson sa may Naval St., Daanghari nang biglang magpa­alam ang huli na uuwi na.   Pinigilan ni Goli si Lengson hang­gang sa magka­kulitan at magtalo sila at mag­bunot ng baril ang huli at binaril ang biktima.

Show comments