Manilenyo nalulugod kay Razon

MANILA, Philippines - Ang desisyon ni Manila mayoralty candidate Sonny Razon na tumutok lang sa mga isyu at programa ay labis na kinalulugdan ng mga botante ng lunsod na nai­irita na sa personal na awayan ng dalawa sa kan­yang mga katunggali sa lokal na halalan.

Ito ang inihayag ka­ha­pon ng hepe ng political organization ng Razon for Mayor movement na si da­ting konsehal Ernesto Dionisio na nagsabi pa na mas interesado ang mga Manilenyo na pag-usapan ang mga isyu at ibang usa­pin sa kanilang lunsod at sa mga konkretong prog­­­ramang magpapabuti sa kanilang kalagayan.

Sa halip na magsagawa ng mga rally at motorcade, mas pinili ni Razon ang house-to-house sorties at town-hall type meeting para makausap niya nang harapan ang mga botante, pakinggan ang kanilang prob­­­­­lema at ipaliwanag ang kan­­­­yang plataporma de gobyerno.

Ilan sa mga naka­kasa­lamuha ni Razon ay nasi­siyahan na naka­kausap ni­l­a ito at nag­­lalaan siya ng oras para makausap sila.

Show comments