Binay lamang pa rin sa survey

MANILA, Philippines - Mahihirapan nang  habulin  ni Makati Vice Mayor at Mayoralty candidate Ernesto Mercado ang lamang ni Mayoralty candidate Jejomar Erwin “Jun-Jun” Binay matapos na lalo pang lumaki ang lamang nito batay sa pina­ka­huling  survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS).

Ang SWS survey ay ginawa mula Abril 7-9 sa may 600 Ma­kati respondents, na nagbigay ng 46 percent share ng boto para kay Binay at sa maikling panahon na lamang tungo sa May 10 elections ay lubhang may kahirapan na itong maha­bol, ayon sa political experts ng “financial capital” ng bansa.

Lumilitaw na ang  puntos na nakuha ni Binay ay mataas ng 22 percent sa pinakamalapit niyang kalaban, si Vice mayor Ernesto Mercado  na mayroong 24%. Pumangatlo si Erwin Genuino na may 18% at si dating Senador Agapito “Butz” Aquino na pumang-apat sa 1 percent.

Ipinakita rin sa survey na may 51 percent ng boto si Binay sa unang distrito at 41 percent sa pangalawang distrito.

Nanguna rin si Binay sa socio-economic classes,  at ku­muha ng 51 percent boto mula sa ABC class, 44 percent sa D class at 48 percent sa E class.

Show comments