MANILA, Philippines - Inendorso ng pitong heneral na dating namuno sa Manila Police District (MPD) si Mayoralty candidate Lito Atienza.
“We stand firmly behind him (Atienza) in his quest for the mayoralty of Manila in this coming 2010 elections,” ayon kina Gen. Narciso , Gen. Ernesto Diokno at Gen. Edgar Dula Torre, General Pedro Bulaong, General Proceso Almando, James Barbers at General Vinarao. Tiwala ang mga heneral sa kakayahan ni Atienza at sa pagiging maka-Diyos nito.
“We, Gen. Narciso Cabrera, Gen. Ernesto Diokno, Gen. Edgar Dula Torre, General Pedro Bulaong,General Proceso Almando, James Barbers and General Vinarao who have spent more than 100 years of combined dedicated service in the Manila Police Department, firmly believe in the proven capabilities of Mayor Lito Atienza because more than anything else he is a God-fearing human being,” nakasaad pa sa nilagdaang pahayag ng mga retiradong heneral. Hindi umano nakaligtaan ni Atienza ang kapakanan ng mga retiradong pulis-Maynila. Ayon pa sa mga heneral, ang track record ni Atienza bilang punong-lungsod ng Maynila ay hindi pa natutumbasan at nalampasan na ang mga pinagsama-samang nakamit ng mga naunang alkalde ng lungsod.