Tauhan ni Gen. Tanigue inireklamo

MANILA, Philippines - Dumagsa ang serye ng reklamo mula sa iba’t ibang entertainment club sa mga lungsod ng Que­zon, Caloocan, Pasay, Para­ñaque, Pasig at Las Piñas kaugnay ng modus operandi ng isang pulis ng Women’s and Children Protection Center-Criminal Investi­gation and Detection Group na naka­base sa Camp Crame. Ilan sa mga rek­lamo laban kay PO3 Gilbert Pilapil na sinasa­bing pamangkin ni Ge­neral Yolanda Tanigue ay ang pangingikil ng mala­king halaga sa iba’t ibang entertainment shop kada linggo kung saan gina­gamit pa ang pa­ngalan ng kanyang opis­yal na si Gen. Tanigue. Nabatid na kapag pu­ma­lag ang isa sa nilapitang officer-in-charge ng entertainment club sa kahi­lingan ni PO3 Pilapil ay magsa­sagawa ito ng big­laang pagsala­kay kasama ang compo­site team ng DIDM sa Southern Police District (SPD) at ang mga tauhan ng International Justice Mission (IJM). Dahil sa operasyon ni PO3 Pilapil na kahalin­tulad sa isang club sa Roxas Blvd. ay ipinakita nito ang kanyang bangis kaya napipilitan ang mga club sa kahili­ngan nito sa takot na ma­istorbo ang kani-kanilang negosyo. Sinasabing bukod sa pan­sariling kapa­kanan ay isinasangkalan pa ni PO3 Pilapil ang ilang opisyal ng pulis sa Camp Crame partikular na si Gen. Tani­gue. Sa kasa­lu­kuyan ay hindi na­man ma­kontak si PO3 Pilapil para ipaliwanag ang kan­yang panig kaug­nay sa na­banggit na rek­lamo.

Show comments