Diskriminasyon sa permit ibabasura ni Mercado

MANILA, Philippines - Ibabasura ni Vice Mayor and mayoral candidate Ernesto Mercado ang polisiyang ipinatutupad sa pagkuha ng business permit sa Makati City hall dahil sa diskriminasyong naga­ganap sa mga investor at business establishment.

Ito ang pangako ni Mer­cado sanhi nang tinatang­gap nitong reklamo mula sa ilang insurance companies sa business permit office ng city hall dulot ng ipinatutupad nitong dis­kriminasyon na kung saan ay sapilitang pinakukuha ang mga taxpayer ng insurance policies sa hawak nilang kompanya.

Nabatid ni Mercado na inirereklamo ng insurance companies ang imple­mentasyon ng Ordinance 2001-103 na kung saan, kailangang kumuha ng akreditasyon ang isang insurer subalit, hindi sila makapamili dahil limitado ito sa hawak nilang kom­panya.

Dahil dito, personal umano niyang panga­nga­­­lagaan kung sino ang karapat-dapat at kuwali­pikadong mamu­muno sa business permits office upang masigurong ma­ipatutupad ang re­por­mang nais niyang mang­yari para mahiyakat na muling bu­malik sa lungsod ang mga investor at ma­pigilan ang ilan pa ng nag­pa­planong lumipat ng lugar.

Show comments