P7-milyong marijuana plants, sinunog ng PDEA

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P7 milyong halaga ng fully grown ng marijuana ang sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng prog­ rama para sa tuluyang pag­buwag sa operation nito sa lalawigan ng Cordillera.

Ayon kay PDEA director General Senior Under­secretary Dionisio R. Santiago, ang pagka­kasamsam sa nasabing droga ay bunga ng ma­higpit na monitoring ng kanilang tropa mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR) 

Nabatid na sa unang tatlong buwan ng 2010, umabot sa 7,206 na marijuana ang nalipol ng tropa kung saan 746 dito ay fully-grown plants; 86,735 ang seedlings; 1,370 gramo ng buto; 89.23 kilos ng pi­natuyong dahon na may kabuuang hala­gang P1.4 billion.

Giit ni Santiago, ang bilang ng nalipol nilang marijuana sa unang quarter ng 2010 ay tumaas sa 15 porsiyento kaysa sa kabuuang taon ng 2009.  

Show comments