Kotse salpok sa poste: 4 patay

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagka­wasak ng sasakyan, apat na kalalakihan ang na­sawi matapos na su­malpok ang kanilang sinasakyang kotse sa isang kongkretong poste ng Meralco na natirik sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nagmistulang pinipit na lata ang naging pin­sala ng Nissan Exalta (WNJ-101) na sina­sakyan ng mga biktima kung kaya tumagal ng halos isang oras bago tuluyang ma­tanggal ang mga ka­tawan ng mga ito.

Nakilala ang mga na­sawi na sina Vernon Sydney Sio, 29, nagma­maneho; Davidson Viray, 33, habang hindi pa naki­kilala ang dalawa pa.

Gumamit ng heavy equipment na hydrolic cutter na pamutol ang mga rescuer para ma­kalas ang mga bakal at yerong na­kapiit sa ka­tawan ng mga biktima.

Samantala, dahil na­man sa pagtagas ng langis mula sa sasakyan na­ngamba ang mga rescuers kung kaya nag­patawag ng bumbero para sabuyan ito ng tubig nang hindi na magdulot pa ng sunog habang ini­aalis ang mga biktima.

Ayon kay SPO1 Per­lito Datu, imbesti­gador ng Traffic Sector 4 ng QC, nangyari ang insidente sa may ka­habaan ng P. Tuazon Blvd., Brgy. Ka­un­laran sa lungsod pa­sado alas-3 ng mada­ling-araw.

Diumano, galing ng Edsa ang sasakyan ng mga biktima na minama­neho ni Sio at mabilis na tinatahak ang lugar nang pagsapit sa may C. Be­nitez St., ay biglang ku­maliwa ito hanggang sa sumalpok sa kon­gkre­tong poste dito.

Sa sobrang lakas ng impact, total wreck ang sa­sakyan hanggang sa ma­baon mula sa loob nito ang mga biktima.

Show comments