Kelot 'nanulot' ng bebot kinatay

MANILA, Philippines - Babae ang naging mitsa ng buhay ng isang 37-anyos na lalaki na napatay sa saksak ng dating kinakasama ng kaniyang live-in partner, nang mag-krus ang ka­nilang landas, sa Tondo, May­nila, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si Rey­naldo Ocampo, ng CM Recto Ave., Binondo, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Tinutugis naman ang suspek na si Manuel Viscanio, alyas “Palos”, ng Ta­himik St., Tondo, Maynila na tumakas matapos ang insidente.

Naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng madaling-araw ma­lapit sa Del Pan Sport Complex sa Del Pan St., Tondo.

Nabatid na umalis ng kanilang bahay ang biktima upang iwasang lumala ang paki­kipagtalo sa kinakasa­mang si Rosita Naval, 39, subalit sa pag­lalakad nito sa sa kalye ay nagkataong naka­salubong ang suspek at walang sabi-sabing pinagsa­saksak umano ito. Matapos iyon ay nag­punta pa umano ang suspek kay Naval, habang may hawak umanong kutsilyo upang sabihan ito na patay na ang biktima.

Bukod rito, sinabi ng imbestigador na una nang pinagtangkaan ng suspek ang biktima noong Pebrero dahil umano sa gina­wang panunulot ng nasawi sa dating kinakasama ng suspect.

Show comments