MANILA, Philippines - Sinunog ang kotse ng isang barangay chairman matapos hagisan ng molotov bomb ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Kinilala ang may-ari ng kotse na si Emmanuel Cruz, 42, chairman ng Barangay 79 ng nabanggit na lungsod.
Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspek.
Naganap ang insidente dakong alas-3 ng umaga sa harapan ng bahay ni Chairman Cruz sa kahabaan ng Nangka St., ng naturang barangay. Nabatid na nakaparada ang Toyota Hilux ni Cruz sa nabanggit na lugar, nang hagisan ito ng bote na naglalaman ng gasolina.
Nagliyab ang naturang sasakyan at bago pa makadamay ay naapula ang apoy kung saan nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.