4 patay sa heat stroke

MANILA, Philippines - Apat katao ang na­italang nabiktima ng heat stroke bunga ng sobrang init ng pana­hon, sa loob ng dala­wang araw sa Maynila, ayon sa Manila police.

Kabilang sa nasawi ang isang hindi nakikila­lang basurero na inilara­wan na 42-45 anyos, payat may taas na 5’2 talampakan na natag­puang patay sa may Ermita, Maynila.

Dakong alas-12:00 naman ng tanghali no­ong Lunes nang maki­tang patay sa Sta Cruz, Manila ang 60-anyos na pulubi na nakilala sa alyas “Tisoy”.

Isang oras lang ang pagitan, isang taxi driver na kinilalang si Ruben Saboriendo, 53, ng Bina­ngonan Rizal ang inatake sa puso sa loob ng mina­manehong taxi, dahil din sa sobrang init sa may Pres. Osmeña Highway, sa Malate, Maynila.

Bago naman tulu­yang dumilim noong Lunes, isang pulubi rin na nasa edad 30 hang­gang 35 anyos, ang natagpuan din patay sa may Recto Station, Sta. Cruz, May­nila.

Ito ay naganap ma­karaang maka­pagtala ang PAGASA nang pina­kamainit sa Metro Manila ng 36.3 degrees Celsius.

Show comments