Sekyu niratrat, todas

MANILA, Philippines - Butas ang mukha at binti ng isang security guard na agad nitong ikinamatay matapos na ratratin ng isang hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Valentino Racca, 33, security officer at resi­dente ng San Fran­cisco del Monte, Bulacan.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang sala­rin na mabilis na tumakas makaraan ang pama­maril gamit ang kalibre 45 baril.

Nangyari ang insiden­te sa may gate ng tinata­nurang bahay ng biktima sa may 52 Kamias Road, Brgy. West Kamias sa lung­sod ganap na alas-10 ng umaga.

Diumano, kabubukas pa lamang ng biktima ng gate nang big­lang sumul­pot ang sus­pect at pi­nagbabaril ito.

Patuloy naman ang isina­sagawang imbesti­gas­yon ukol dito.

Show comments