Dahil lang sa ulam, NBI agent nagbigti

MANILA, Philippines - Isang confidential agent ng National Bureau of Inves­ti­gation (NBI) ang nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbigti sa sarili matapos na magdam­dam nang hindi umano kainin ng kinakasama ang niluto niyang ulam na hipon sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Michael Catacle, 32, ng Kalantiaw St., Proj. 4, ay natuklasan na lamang ng kanyang kinakasamang naka­bitin sa door knob ng pintuan ng kanilang kuwarto pasado alas-9 ng umaga.

Simpleng tampuhan din lang sa kanyang kinaka­sama na nag-ugat sa matinding pagdaramdam ng bik­tima kung kaya nagpakamatay ito.

“Hindi raw  kasi, kinain ng live-in ng biktima ang niluto nitong ulam na hipon kaya nagtampo tapos ’yun na,” sabi pa ni Elenzano.

Lumilitaw sa imbestigasyon na natuklasan ang pagpa­pakamatay ng biktima habang nag-aasikaso sa pagpasok sa kanyang opisina si Joann Muñoz, kina­kasama ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na sinisiyasat ng pulisya upang mabatid kung may foul play sa naturang in­sidente.

Show comments