Illegal recruiter na Pakistani timbog ng Immigration

MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani national dahil sa patung-patong na kasong illegal recruit­ment sa Palawan.

Si Ehmad Agha, alyas Salim Jan Ifthika, ay na­aresto ng Immigration Area Office (IAO) Region 5 at kaagad ikinulong sa BI detention center sa Bicutan kasama ang asawa nitong Pinay na si Emy Encinas.

Sa ulat na nakarating kay Immigration Com­mis­sioner Marcelino Li­banan, si Ifthika ay ini­reklamo ng 11 Pinoy sa Palawan na biktima nilang mag-asawa dahil sa illegal recruitment.

Hindi naman maka­pag­prisinta ng pasaporte o anumang travel docu­ment ang Pakistani ng maaresto ito kaya’t itinu­turing na rin itong isang illegal alien.           

Base sa reklamo ng 11 biktima ng  mag-asawa, hinikayat umano sila ng mga ito ng mag­bigay ng P20,000 upang matanggap ang mga ito bilang Overseas Fili­ pino workers, gayunman hang­­gang sa ngayon ay hindi pa sila napapaalis ng dayuhan.           

Nahaharap naman sa deportation proceedings si Ifthika dahil sa pagiging undesirable at undocu­mented alien.

Show comments