MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na sinasabing bakla ang nasa kritikal na kundisyon makaraang barilin ng isang guwardiya sa hindi pa mabatid na dahilan kahapon ng madaling-araw sa Mabini St, Caloocan City.
Nakilala ang biktima na si Lyndon Margallo, tindero, ng no. 148 Lakas ng Mahirap Street ng naturang lungsod.
Agad namang nadakip ang suspek na si Apollo Lardisabal, 34-anyos, miyembro ng Elite Security Agency at naninirahan sa no. 54 Libis Talisay Dulo Brgy. 12, Caloocan.
Naglalakad mag-isa ang biktima nang bigla umanong barilin ni Lardisabal kung saan tinamaan ito ng bala sa balakang. (Danilo Garcia)