Binata dedo sa mag-utol

MANILA, Philippines - Butas ang katawan ng isang binata matapos na ba­rilin ng isa sa magkapatid na miyembro ng Bahala na Gang dahil lamang sa pagta­talo sa bull cap sa lung­sod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Tuzon, 27, helper at re­si­dente ng Victory St., Brgy. Tatalon sa lungsod.

Agad namang naaresto ang isa sa mag-utol na sus­pect na si Jayvee Viado, 22, binata ng Brgy. Tatalon; habang tinutugis naman ang kapatid nitong si Emer­son, 19, na siyang itinu­turong bumaril sa biktima.

Ayon sa ulat nangyari ang insidente sa may Victory St., corner Kaliraya St., ng na­sabing barangay ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Bago nito, nagsumbong umano ang isang Aries Ba­lagot sa biktima at kaibigan nito na sina Jomer Garcia, Mark Jason, at John Paul Sa­turnino dahil ina­gawan siya ng “bull cap” ng tropa ng suspect.

Dahil dito, nagpasya ang grupo ng biktima na puntahan ang grupo ng suspect para kom­­prontahin hingil dito at bawiin na rin ang cap.

Nauwi sa mainitang pagta­talo ang pag-uusap hanggang sa magbunot umano ng ka­libre 38 baril si Emerson at pa­putukan ang biktima sa likod.

Bagama’t sugatan ay na­gawa pang makasabay ng takbo ang biktima sa mga ka­ibigan, ngunit di kalayuan ay bu­muwal din ito. (Ricky Tulipat)

Show comments