Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Isang bangkay na lalaki na sinasabing biktima ng “summary execution” ang nadiskubre sa isang bakanteng lote, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan na nakasuot ng maong na shorts at puting t-shirt, nasa pagitan ng   25-30 anyos, may taas na 5’8’’, katamtaman ang katawan at maputi.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay sa Mangga Road, Brgy. Talon Uno, Las Piñas. Sa imbestigasyon, nakabalot ng plastic bag ang ulo ng biktima, may marka ng pagkakasakal ang leeg at nakatali ng nylon cord ang mga kamay. (Danilo Garcia)

Show comments