Colorum vehicles, bilang na ang araw

MANILA, Philippines - Malapit nang matapos ang maliligayang araw ng mga kolorum at out of line na mga sasakyan na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa ma­tapos magsanib puwersa ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang LTO-LTFRB connectivity.

Sa ginawang konsultasyon ng 1 United Transport Koa­ lisyon (1 UTAK), Pasang Masda, Asso­ciation of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), Land Transportation Organization of the Philippines, Alliance of Trans­port Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Mega Manila Operators and Drivers Association (MMODA) kay LTO chief Arturo Lomibao at LTFRB chairman Alberto Suansing, inaasahang mas magiging mabilis ang pagpo- proseso ng mga papeles ng mga operators at drivers at maiiwasan ang talamak na bentahan ng pekeng prang­kisa.

Pinuri naman ng transport groups ang plano ng LTO at LTFRB na mas gawing mo­derno ang teknolohiya sa ka­nilang ahensiya at agaran nilang hiningi kay Department of Transportation and Commu­ni­cations secretary Anneli Lontoc ang ayuda nito upang matapos na ang kanilang suli­ranin sa mga out of line at colorum vehicles.       

Ayon kay ACTO president Efren de Luna, malaking tulong sa kanila ang LTO-LTFRB con­nectivity na kung saan ay malaki na ang ma­iuuwing pera ng mga ope­rators at tuluyan na ding ma­wa­ wa­ka­san ang kotongan sa lansangan.

Show comments