2 supplier ng magic sugar, timbog

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang dalawang sinasabing suplayer ng mga vendor ng ‘samalamig’ ng ipinagbabawal na ‘magic sugar’, sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng umaga, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Javier at Mark Nadal.

Nasamsam sa mga suspek ang sampung plastic ng magic sugar o neotogen, na delikado sa kalusugan ng tao dahil sa taglay nitong sodium cyclamates.

Naganap ang buy-bust operation dakong alas-10:00 ng umaga, sa Elcano St., Divisoria, sa Tondo, Maynila.

Ayon pa sa impormasyon, estratihiya ng dalawang suspek na pala­basing ice candy ang kanilang mga dalang magic sugar upang hindi mahalata ng awtoridad. (Ludy Bermudo)

Show comments