Tinuksong bulag pumatay

MANILA, Philippines - Nainsulto umano ang isang basurero ng tuksu­hing ‘bulag’  ng kapwa ba­surero habang nag-iinuman, sa Sta. Cruz, Maynila, kama­kalawa ng gabi

Idineklarang dead-on-arrival sa Jose Reyes Me­mo­rial Medical Center (JRMMC)  ang biktimang kinilala la­mang sa alyas na “Boy”, nasa 35-40 anyos, mahaba at kulot ang buhok at may taas na 5 hanggang 5’2 talampakan. Nagtamo ito ng maraming saksak sa katawan.

Hinahanap pa ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Bulag” na mabilis na naka­puga matapos ang pana­naksak

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide section, ang suspek umano ay nainsulto nang asarin at tuksuhin pang bulag sa kabila ng kapansa­nan nito, dakong alas-10:30 ng gabi kamaka­lawa sa pa­nulukan ng Rizal Avenue at Fugozo St., Sta. Cruz, May­nila.

Nakita na lamang na gu­magapang ang biktimang duguan kaya dinala sa ospital ng isang Roldan Alang  pero idineklara ding dead on arrival ni Dr. Rial De Ramos. (Ludy Bermudo)

Show comments