Patay lumutang sa estero

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang patay na may mga tama ng saksak sa katawan sa isang estero sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa sa pagitan ng 23-28 anyos at may taas na 5’6 ang biktima na may tattoo sa katawan na may mga pangalang “Lorna”, “Ojie” at “Valdez”, nakasuot ng itim na t-shirt na may tatak na “Pilipinas Bayan” at berdeng t-shirt.

Sa ulat ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ng nag­daraang mga tao ang naka­lutang na katawan ng biktima sa Estero De San Miguel, sa may Palanca bridge, Palanca St., Quiapo.

Nakita ang tatlong tama ng saksak sa bangkay ng biktima na kasalukuyang nakalagak na sa Harold Funeral Homes. (Ludy Bermudo)

Show comments