Kandidatura ni Lim ibabasura ng CBCP

MANILA, Philippines - Ibabasura umano ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kandidatura ni Manila Mayor Alfredo Lim sanhi ng pagsuporta nito sa kontro­bersyal na Reproductive Health Bill. Nakarating sa CBCP na lantaran na ang pag­suporta ni Lim sa RH bill at hinayaan nito na kumalat ang mga artificial contraceptives sa mga health centers sa Lunsod. Dahil dito, muling iginiit ni Mssr. Pedro Quitorio, spokes­man ng CBCP, ang panawagan sa mga kato­liko na huwag iboto ang mga local o national candidates na sumusuporta sa RH bill dahil taliwas ito sa paniniwala ng Catholic Church na nagtataguyod ng isang pro-life policy. Inamin ng isang opisyal ng Manila Health Department na nagpapakalat na sila ng mga contraceptives sa mga health centers at maaring makakuha ang sinuman nito na nais gu­ma­mit gaya ng condom.

Show comments