Motor sumalpok, kelot todas

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang motorcycle rider habang kritikal naman sa pagamutan ang ang­kas nitong babae maka­raang rumampa at su­malpok sa kasalu­bong na taxi kamaka­lawa ng gabi sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ang 34-anyos na si Carlo Argonido ng no. 1040 Theresa Street, Valenzuela City habang inoobserbahan rin sa naturang pagamutan ang angkas nitong si Miraflor Yongsion, 25, ng Bukang Liwayway, Halfway Housing, NBP Compound, Muntinlupa City.

Ayon sa mga saksi, napakabilis umano ng pagpapatakbo ni Argo­nido sa motorsiklo niya habang binabagtas ang Kamagong Street at na­walan ng kontrol nang sumapit sa pakur­bang bahagi patungo sa Ayala Avenue Extension. Tuluyang ru­mam­pa ang motorsiklo sa center island at nasal­pok naman ng kasalu­bong na Kia taxi. (Danilo Garcia)

Show comments