Abogado, 1 pa tiklo sa nakaw na cellphone

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga elemento ng Quezon City Police ang isang  abogado at isa pa ma­ka­raang mahulihan ang mga ito ng mga nakaw na cell­phone na nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso sa loob ng isang van sa na­banggit na lungsod.

Sa report  na nakarating kay Quezon City Police Dis­trict  (QCPD) director Chief  Supt. Elmo San Diego, dakong  alas-12:30  ng hapon nang  matag­puan  ang natu­rang van sa  kanto  ng Que­zon Avenue  at Scout Chua­toco, Quezon City.

Sinasabing nang ma-recover  ng mga pulis ang na­tu­­­rang  van ay kasabay na­mang nadakip ang may dala umano nito na isang Atty. Ronald Aguado na nagpakila­lang tauhan ng Presiden­tial Anti-Smuggling Group (PASG) at isang  Anthony Palmos, ha­bang nakatakas ang iba pang kasamahan ng mga ito. (Angie dela Cruz)

Show comments