Rider todas sa riding in tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider makaraang sabayan ng riding in tandem at ratratin habang tinatahak ang C-5 Road, sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa tagiliran ang tinamo ng biktimang si Anthony Dizon, ng Bagong Silang, Caloocan City na naging da­hilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang insidente.

Naganap ang pangyayari dakong alas-10 ng gabi sa   harap ng MWSS sa C-5 Road Katipunan Avenue, Bryg. Pansol ng nabanggit na lungsod.

Bago nito, sakay ang biktima   ng kanyang Honda XRM (7013-PR) at tinatahak ang naturang lugar nang biglang tabihan ito ng isang motorsiklo sakay ang dalawang kalalakihan at walang sabi-sabing malapitang pinutukan ng baril ng back­rider. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

Show comments