MANILA, Philippines - Tatlong “tulak” ng shabu kabilang ang isang babae ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation na isinagawa kamakalawa sa Malabon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jennifer Alejo- Calaguas, alyas Damble at Gerlie Santos, 33,ng Caloocan City; Reynaldo De Jesus, 36 at Ronnie Albat, 25. Sa repot na nakarating sa Northern Police District Office (NPDO), nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis, na nagsasagawa ng illegal na transaksiyon ang mga suspek sa kahabaan ng Concepcion St., Brgy. Tugatog, Malabon City kung kaya agad na inihanda ang bitag sa mga ito.
Ang tatlong suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 5,11, 26 at R.A. 9165 (Sale/Possession /Conspiracy to sale of Dangerous Drug). (Lordeth Bonilla)