MANILA, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na witness sa pagkapaslang sa camera man ng channel 9 matapos itong limang beses pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki habang ang una ay nakaupo at nagpapahangin sa harapan ng isang tindahan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Charles Merced-Galarce, ng Bernadette St., Admin Site, Brgy 186, Tala ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng limang tama ng bala sa ulo at leeg buhat sa isang kalibre .45 baril.
Samantala, nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspek.
Naganap ang insidente dakong alas- 9:00 ng gabi sa harapan ng Richel store na nasa Saint Joseph St., ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakaupo ang biktima sa harapan ng naturang tindahan, na kasama ang pinsan nitong si Liezel Merced nang biglang dumating ang suspek na nagpanggap na bibili sa tindihan. Habang nakatalikod ang biktima, wa lang sabi-sabing pinagbabaril nito si Galarce.
Nabatid na si Galarce ang star witness sa pagpatay kay channel 9 Ralph Ruñez noong Hulyo 2006. (Lordeth Bonilla)