P214-milyong Louis Vuitton nasamsam

MANILA, Philippines - Sinuyod ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang tindahan at bodega sa Maynila na nagresulta sa pagkumpiska sa assorted products na may kabuuang 28,295 piraso ng Louis Vuitton (LV) na nagkakahalaga ng mahigit P214 milyon, sa ulat kahapon.

Bunsod ito ng reklamong inihain ni Mayank Vald, director ng Brand Enforcement, Asia Pacific Louis Vuitton Malletter S.A. Ipinagharap sa  kasong paglabag sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang may-ari ng mga sinalakay na establisimento. (Ludy Bermudo)

Show comments