Vendors umapela sa CHR

MANILA, Philippines - Hiniling ng Association of Public Market in Manila sa Commission on Human Rights na pi­gilin ang pagpapatupad sa kautu­ san ni Manila Mayor Al­fredo Lim na nag­babawal sa mga vendor na mag­suot at guma­mit ng mga giveaways gaya ng apron, pamay­pay at t-shirt na may tatak ng pangalan at mukha ng isang kakan­didatong poli­tiko habang sila ay nagti­tinda.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Lily Pineda, ang naturang kautusan ay walang habas na ipinatutu­pad ng mga tauhan ng Market Administrators Office, Hawkers at Department of Public Services (DPS) katulong pa ang ilang opisyal ng police na siyang nakasasakop sa palengke. 

Sapilitan umanong, ipi­na­huhubad umano sa kanila ang mga damit at apron na may tatak ng pangalan at mukha ng ilang kandidatong alkalde sa Maynila.

Kapag sumuway sila, huhulihin at kukumpis­kahin ang mga paninda ng mga vendors at babantaan pa umano ang mga ito na hindi na makakabalik pa sa puwesto.

Ganito umano ang naging senaryo kamaka­ilan sa mga vendors sa Dago­noy Market San Andres Bukid at Paco Market.

Show comments