MANILA, Philippines - Nangangamba ang isang 25- anyos na lalaki para sa buhay ng kanyang ama nang arestuhin ito matapos na sitahin nito ang mga taga- Manila City hall na nagbabaklas ng poster ni dating Manila Mayor Lito Atienza sa kanilang lugar sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Michael Sitchion ng #2237 M. Natividad St. Sta. Cruz, Maynila, bigla na lamang uma nong inaresto ang kanyang ama na si Dennis Sitchion ng mga operatiba ng MPD Station 3 matapos nitong sitahin ang mga taga-City Hall.
Sa reklamo ni Michael, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi ng bigla na lamang damputin ang kanyang ama sa gitna ng inuman dahil sa naimbitahan umano si Dennis ng kanilang mga kagawad dahil kaarawan nito. Ito ay ilang minuto pa lamang ang nakakalipas matapos niyang sitahin ang ilang taga-city hall na nagbabaklas ng poster ni Atienza.
Nagtataka naman ang batang Sitchion kung bakit sa dinami-dami ng mga kainuman ng kanyang ama ay ito lamang ang hinuli ng pulisya at kaagad ikinulong sa Station 3 dahil sa umano’y kasong drinking in public at illegal possession ng replica ng baril.
Nangangamba naman si Michael sa posibleng patuloy pa silang makatanggap ng harrassment mula sa pulisya at City Hall dahil identified silang supporter ng kalaban sa pulitika ng mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)