Kotse salpok sa poste: 2 patay

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawang kalalakihan na kapwa nagmula sa ma­yamang pamilya at nasa kritikal na kondisyon ang isa pa nilang kasama ma­tapos sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang sports car habang bina­bagtas ng mga ito ang kahabaan ng C-5 Road, Pasig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina John Paul Lee-Uy, 26, ng Ipil St., Valle Verde 3, Brgy. Ugong ng nabanggit na siyudad at Ramon Sa­langit-Garcia Jr., 28, ng Pepper st., Valle Verde 5 ng nabanggit na lugar. Nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, sugatan naman ang isa pa ni­lang kasamahan na si John Michael Baesa-Ong, 28, residente rin Valle Verde 1.

Sa report ni PO3 Jer­ven M. Galvez, na­ganap ang insidente dakong alas-5:20 ng umaga sa south-bound lane ng ka­habaan ng C-5 Road, Brgy. Bagong Ugong, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na binabag­tas ng isang Kawasaki motorcycle (OT-9832) ang nabanggit na lugar, na minamaneho ni Fer­nando Novilla Jr., 31, isang guwardya, ng Cupang, Antipolo City nang mag-overtake ang kotseng   Audi ( BEM-222) na minamaneho ni Uy at sakay nito sina Garcia at Ong at  dahil sa sobrang bilis ng pagpa­patakbo nito sa nabang­git na sasak­yan ay na­walan ito ng preno.

Dahil sa sobrang bilis ay bumangga ito sa isang poste at saka tumilapon sa kabilang lane ang ma­kina ng kanilang sasak­yan na sumalpok pa sa harapan ng bumper ng isang Toyota Corolla na minamaneho naman ni Jaime Falcon.

Matinding trapik na­man ang idinulot ng aksi­dente at nagkalat ang mga langis mula sa sa­sakyan ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, ma­aaring sobrang bilis ang takbo ng mga biktima kung kaya nang bu­ mang­ga ito ay nakalas maging ang makina ng sasakyan.

Inaalam pa ng mga pulis ang tunay na da­hilan ng madugong aksi­dente.

Show comments