MANILA, Philippines - Isang street sweeper at isang helper ang namatay sa ilang minutong agwat ng insidente ng pamamaril sa paligid ng Balintawak market sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.
Kinilala ni Chief Insp. Benjamin Elenzano, hepe ng homicide section ng Quezon City Police, ang mga nasawi na sina Mario del Monte, 36, may-asawa, street sweeper ng 117 Old Samson Road; at Erwin Foraman, 36, may-asawa, helper ng #9 B.S. Aquino St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.
Ayon kay Elenzano, ang motibo ng pamamaril kay del Monte ay patuloy na iniimbestigahan ng kanilang tanggapan, ngunit ang kaso ng kay Foraman ay robbery/holdap ang motibo. (Ricky Tulipat)