MANILA, Philippines - Pinatigil ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang lahat ng demolisyon, sa Quezon City hanggat hindi natatapos ang eleksyon. Sa memorandum circular na nilag daan ni Belmonte, ipinag-utos nitong itigil ang anumang demolisyon sa QC upang maiwasan ang maling kaisipan na ito ay may kinalaman sa halalan. Nais ni Belmonte na maipakita sa lahat na patas ang kanyang tanggapan at maiwasan ang maling interpretasyon na ginagamit ng kanyang administrasyon ang pagkakataon upang makinabang o sirain ang anumang partido politikal at kandidatong kalahok sa May 2010 election. Hindi kabilang sa kautusan ni SB ang kasalukuyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng QC govt. na lubhang kapakipakinabang sa pangkalahatang development plan ng lungsod. Ayon sa memorandum order, lahat ng illegal na istruktura na sagabal sa development plan ng lungsod ay kailangang tanggalin. Tiniyak din ni SB na matatapos niya ang lahat ng major projects na kinakailangan bago matapos ang kanyang termino sa June 30 ng taong ito. (Angie dela Cruz)