Motel nasunog sa Valentine's Day

MANILA, Philippines - Naantala ang pagmamahalan ng mga magsyota na nag check-in sa isang motel sa Mandaluyong City makaraang masunog ang ilang bahagi nito, kamakalawa habang ipinagdiriwang ang Valentine’s Day.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Mandaluyong, nagsimula ang apoy sa audio-visual room ng Bermuda Hotel sa Sultan Street kung saan umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapektuhan ang apat na kuwarto.

Agad namang pinalabas ang mga kustomer habang inaapula ang apoy kung saan Ilan sa mga lumabas sa motel ay hindi pa maayos ang mga damit na suot.

Wala naman iniulat na nasaktan sa naganap na insidente. Pinai­imbestigahan naman ng mga opisyal ng Mandaluyong City Hall ang insidente sa posibleng kapabayaan ng pamunuan ng naturang motel. (Danilo Garcia)

Show comments